I'm Just A Girl
“I need you to be happy… for me to even have a shot of being happy.” Sumugod si Klia sa Negros upang sorpresahin ang dating kaibigan na sumulat sa kanya at nag-imbitang magbakasyon siya sa probinsiya nito. Kaya ganoon na lang ang kanyang panlulumo na bukod sa nabiktima siya ng snatcher, walang nakakakilala sa taong pakay sa bayang pinuntahan niya. Mabuti na lang at pinatuloy si Klia ng guwapong si Rupert Cariazo sa bahay nito. Nagka-crush siya sa binata kaya pinili niyang manatili na muna roon. Ngunit ang pagkaka-crush na iyon ay nauwi sa pag-ibig—damdamin na sa simula pa lamang pala ay wala nang kinabukasan na dapat asahan. Dahil si Rupert ay pag-aari na ng babae sa portrait na nakasabit sa dingding ng bahay nito…