Wincel would be the ultimate PentaBoys fangirl if only she could afford to buy tickets to each and every one of their concerts. Kaya naman para mapansin siya ng paborito niyang idol group—especially ng pinakamamahal niyang si Hansel— naging vlogger siya.Problema lang ay ’pag naging vlogger ka, magkakaroon at magkakaroon ka ng basher. At ayan na nga si MrAnnoying na pang-26 na account na ang nagagawa para lang i-bash si Wincel. Dahil palaban siya, makikipagkita siya sa basher niya nang tumigil na ito once and for all.Hindi niya lang ine-expect na posibleng si MrAnnoying na pala ang magpapatupad ng kanyang ultimate fangirl dream.